December 24th, 2005

christmas party!

after picking up my plane ticket yesterday afternoon. I passed by at my uncle jun's house to pick up my tita irene( Our cooks in the House!!!). Well everytime she's here at our house hindi pwedeng hindi sya magluluto ng pagkain dito. I learned a lot from her. Some cooking technique hehehe. anyway after that we went to starbucks and bought $150 bucks worth of gift certificate for my friends. when we get home i started to pack and arrange all my stuff and pasalubong. I know its too early to pack those things. But im not excited ok? Mas gusto ko lang maayos na ang lahat before next week so incase na may kulang pa or nakalimuntan mas mabibili ko pa or maayos pa right? @10:00 jojo picked me up coz im too lazy to drive even its only 5 miles away. And besides we're gonna drink so i decided not to drive. I know that im gonna drink a lot. Magpapakalasing ako dahil broken hearted ako hehehe lols...jk lang. its been a while din di kami nalalasing ng buong barkada so we decided that weren't gonna play mahjong that night.. just pure drink and kwentuhan. So it almost 11 pm after buying all those drinks for our drinking session. of course ayun when we get there as usually kaininan and after that there's an exchange gift. Ang saya because may dalawa kaming magkabarkada na parehas yung gift hehehe so tawa lang kami ng tawa. Yung gift na nakuha ko astig ang ganda. its a game na "Who Wants to be a Millionaire" you will just plug in on the TV and play it like what u have watch on TV. Nice Huh? anyway after that we started our drinking session. Man i miss this thing. while drinking we had some joke time, some topics abt married life since most of them are married already just me and my other friend nalang ang single so they wants us to get married na din heheh..i said hell nah.. im not ready yet hehehe.. of course di rin mawawala yung topic abt reason kung bakit ako uuwi. They keep teasing me hehehe that dont give up right away. fight for your love... jojo was telling me na effective daw yung pagumuulan ng malakas punta ka daw sa harap ng gate nila and then tell her how much you love her. hahaha  pangpelikula lang nangyayari yun hehe But everything was cool and fun.  By the way we had Kamikaze that night. we finished 2 liters of absoulute citron vodka. damn..can u imagine that.. tsk tsk tsk of course we all got drunk. but its too early for us to finish the session. its only 3am so we decided to play mahjong. but some of them cant play anymore because they start throwing up and some of them nakatulog na dahil sa sobrang lasing. so only four of us still up and playing mahjong.  we cooked some noodles and eggs. eat some burger. damn dami kong nakain. after 6 hrs later everybody starting to wake up and wer still playing tsk tsk tsk damn huh? ang tibay namin... tsk tsk tsk well to make the story short most of them left already but wer still playing. Around 1 pm na dn kami natapos and I won 50 bucks nice huh.. so yun lang. nice christmas party. i miss this so much. i had fun. well its almost christmas here... 2 and half hr nalang christmas na.....MERRY XMAS to all.

Currently feeling: tired
Posted by jayr09 at 09:35 PM | 2 comments

December 17th, 2005

Panaginip....

ala una na ako nakauwi galing sa isang pagsasalo at kwentuhan kasama ang mga kaibigan....habang nagdridrive ako hindi maalis sa isipan ko kung ano nga ba ang nangyari at bigla nalang naglaho ang isang magandang samahan na ang buong akala ko ay magtatagal ng habang panahon...ngunit sabi nga nila walang permante dito sa mundo..nawawala...naglalaho...nagbabago... kay hirap tanggalin sa isipan ang taong mahal mo... kahit pilit mong gustong kalimutan...hindi ito napakadaling gawin...ang hirap....pagkatapos ng ilang minuto...sa wakas nakauwi na ako...kay lungkot ng bahay...wala pang mga ilaw para sa pasko...walang christmas tree...pawang ang ilaw ng poste lang ang nakasindi....umakyat ako ng bahay...tulog na ang mga tao...binuksan ko ang aking computer at muling nagcheck nang mail at nagbabakasali nakaonline sya... ilang oras pang nakalipas pilit kong gustong tanggalin sya sa aking isipan..hanggan napagod ang aking katawan....pumunta ako sa kwarto na kapatid ko...at humiga... pinipilit kong makatulog...pilit kong ipinikit ang aking mga mata...upang makatulog ngunit ang aking isipan ay bukas na bukas... panay isip sa mga magagandang nangyari habang kasama sya...alas 4 na di pa rin ako makatulog....tsk tsk tsk hangang sa mapagod ang aking isipan at nakatulog na din.....

Bigla akong nagising...at pumunta sa isang grocery..naglalakad...bumili ng isang bote ng tubig...at naghahanap ng pagkain...at bigla akong napatingin sa isang telebisyon na nakahang sa wall...at dito nakita ko ang sarili ko...papunta sa bahay ng mahal ko...balak dumalaw...habang papalapit ako sa bahay nila...ang kuha ng camera ay biglang nagtago sa isang malaking puno... para bang nagtago at sumusilip sa isang bahay...at dito biglang lumabas sya kasabay ang kanyang mahal...at nanay nya...pilit kong gustong lumapit sa kanila ngunit hindi ko magawa sa hindi ko alam na dahilan...hanggan sa magising ako at marealize kong itoy isang panaginip lang pala.... Isang panaginip na hindi ko alam kung bakit ito ang aking panaginip...may meaning ba ito o isang pagkakataon lang...o siguro dahil ang aking utak ay panay isip sa kanya...hindi tumutigil kahit ang buong katawan ko ay pagod na... mahirap talaga kung ang utak mo ang gumagana..at kasabay ng pusong nagdurugo... isang tanong lang ang gusto kong itanong sa inyo... kung kayo ang nasa katayuan ko... ano ang gagawin nyo? ipagpapatuloy pa rin ba ang laban o sadyang susuko nalang...

Currently listening to: miss you by aaliyah//
Currently watching: NFL
Currently feeling: sad
Posted by jayr09 at 11:58 AM | 3 comments

The promise of love....

i saw this poem sa internet...and i really like it...i will admit that im not good in writing a good poem or writing a love letter...im more in action...but i wish im good on it... anyway i posted this poem to the girl i love.. but now she love someone else na...yes u heard it i lost her... its hard to think that she's gone...especially...u thought u guys are ok...then suddenly...hindi na... i can say that i tried to do everything i can just to win her heart...but i guess its really hard when you are miles away from her...calls are not enough...sending flowers are not enough... u have to be physically with her...so everytime she needs a company to go somewhere else...ur with her...everytime she needs someone to lean on...ur with her... i wish...ur just a miles away from me...i thanks God that u came in my life.. even not in a long periods of time...i just wish we can still be a good friend... this poem will be forever for you...The promise of love....

THE PROMISE OF LOVE

kneel beside you here today
I kneel beside you and I pray
That it's you, its only you
Who will share my tomorrows and yesterdays

I searched a lifetime and found you
A bridge to forever I share with you
Open your heart and let me in
As I give you this promise of love

I heard an angel say your name
Now I know my world's not the same
A little heaven is what you are
As we dream a thousand dreams not so far

And may the blessings of our Lord above
His light will guide us with a love
For you and me forevermore
As I give you this promise of love

Now that I have you for my own
As God is our witness never let me go
Feel the love grow as we become one
One hand, one heart
We are one soul

I stand before you just a man
I need your help to understand
What is life without you
As I promise you this day and forever
This promise of love
This promise of love

This promise of love....

Currently listening to: more than word
Currently feeling: sad
Posted by jayr09 at 02:26 AM | 1 comments

December 16th, 2005

Cellphone.....

Gusto ko lang itanong kung gaano kahalaga ba sa inyo ang cellphone? Para sa akin napakahalaga nito…para bang di ako mabubuhay ng walang cellphone…paggising ko una kong hinahanap ang cellphone ko…kung may tumawag ba o kung may nagtext… kung wala akong cellphone parang di ako kumpleto…di ko makakausap ang mga taong mahal ko…mga kaibigan ko…katrabaho…at kung sino sino pang gusto kong makausap…lalo na pagnagdridrive ako papasok o pauwi galling trabaho…or pagtraffic…malaking bagay ang cellphone para sa akin..oo na bawal ang magcellphone habang nagdridrive eh naka headset naman ako eh…hindi ba malaking tulong ang cellphone sa buhay natin..isang paraan ito para makakunektado ka sa isang taong kailangan mong makausap.… naalala ko nung nasa high school pa ako…putcha yung cellphone nun halos kasing laki ng pencil case…ang laki diba…hindi nga magkasya sa bulsa ko eh …pero pagnakacellphone ka nun sikat kana dahil nga mahal ang tawag at mahal pa isang cellphone noon….makalipas ang apat na taon nagsimulang sumikat ang text…nagumpisa sa libre….pagkatapos may limit na…hanggang sa may bayad na…kung hindi ako nagkakamali piso ang bayad kada text? Hindi lang yun… ang tawag ngayon ay medyo mura na kumpara noon…may mga plan nang option din…di tulad dati panay prepaid lang…ngayon magtataka ka na din…halos lahat ng tao sa pilipinas may cellphone na…siguro nga dahil affordable na din…putcha ang galling nuh…mapamayaman o mapamahirap may cellphone…matatawa ka sa ikukwento ko…yung driver naming daig pa ako kung magpalit ng cellphone…at eto pa namimigay ng casing sa mga estudyante ng FEU..hanep ang lupit nuh..nakakapagtaka lang..dahil kahit alam mong hirap na sa pera ang mga taong ito nakukuha pang bumili ng cellphone at gumastos ng pera sa pagtetext…minsan nakakatuwa dahil alam mong ang mga Pilipino hindi nagpapahuli pagdating sa technology…ngunit minsan nakakainis din dahil alam mong wala na masyadong pambili ng pagkain..nakukuha pang magcellphone…kahit mabaon na sila sa utang basta matustusan lang ang luho….sige pa rin… minsan di mo na rin masisi ang tao diba…dahil yun nalang ang kaligayahan nila… Malamang nagtataka kayo kung bakit ko biglang napagusapan ang cellphone…kanina nung nasa trabaho ako…naguumpisa palang ang araw ko dahil sa graveyard ang work ko…NABAGSAK ang cellphone ko…putcha wasak…hati sa dalawa…di ko alam kung papaano nagyari yun…dati mayrun na akong ganitong klaseng cellphone…ilang beses ng nabagsak at mas grabe pa..ang bagsak pero hindi nasisira…ngayon kabago bago palang..masasabi kong dalawang buwan palang galing sa pagpalit ng warranty dahil medyo nagloko ang huli kong telepono kaya pinapalit ko…ingat na ingat nga ako dahil paborito ko itong cellphone na ito…sa di inaasahang pagkakataon…bigla nalang nahulog sa bulsa ko…at ayun…wasak nga…badtrip…sobrang badtrip ang araw ko dahil lalong di ko sya makakausap ngayon…   Ngayon kailangan kong bumili nang bagong cellphone dahil di ako mabubuhay ng walang cellphone…baka may gusting magregalo sa akin ng cellphone para sa Christmas…….

Motorola razor

Currently listening to: no ordinary love
Currently feeling: badtrip..
Posted by jayr09 at 07:46 AM | 1 comments

December 15th, 2005

Simula.....

Finally….natuloy din itong blog ko…tsk tsk tsk.. matagal tagal ko na rin gustong umpisahan ito subalit hindi matuloy tuloy… siguro dahil na din sa tinatamad ako…or hindi ko alam kung paano ko ito uumpisahan… ang pagkakaalam ko kasi pagnagbloblog ka..kailangan henyo ka o magaling ka sa ingles o puno ng kulay ang buhay mo…para basahin ng mga tao ang blog mo… akala ko din noon puro babae lang ang nagbloblog…dahil diba parang diary na din ito? Pero mali ako..madaming lalaki ang nagbloblog na din…may professional, may tambay lang sa bahay, at kung sino sino pa… siguro nga ang blog ay para sa lahat.. wala akong pakialaam kung hindi kayo interesado sa buhay ko.. basta ang sa akin.. masulat ko ang nangyayari sa buhay ko.. bata palang ako pinangarap ko ng isulat ang buhay ko… maaring sabihin nyo na halos kalahati ng buhay ko tapos na… pero ok lang..alam kong madami pang mangyayari sa buhay ko… Gusto ko nga palang pasalamatan ang nagbukas ng aking isipan sa paggawa ng blog…walang iba kung hindi ang mahal kong kapatid na si catot… matagal tagal na rin syang nagbloblog sa tabulas…lagi kong binabasa ang kanyang blog at dahil dito mas nakilala ko sya ng lubusan..at nalaman kung ano ano ang nangyayari sa buhay nya..gayun din sa aking mahal na bunso na si bebe.. maaring nagtataka kayo kung bakit sinabi ko na hindi ko sila masyadong kilala noon..dahil matagal tagal din kaming nagkalayo…andto ako sa America…at nasa pinas sila habang nagtatapos ng kolehiyo…at noon pa man hindi na ako masyadong close sa akin mga kapatid…mas hirap akong magopen sa kanila…kahit sa magulang ko…mas gusto kong sinasarili ito…mas madali akong magopen kapag sa barkada…anyway maaring nabobored na kayo so tama na siguro to…

Currently feeling: sad
Posted by jayr09 at 07:38 AM | 2 comments
« Newer | Older »